Bukas na Pasko:

Pagdiriwang na Inklusibo sa Lahat ng Pangkat-etniko

Flying Lantern Design

“BukasKo” Lantern

Bilang isang Pamantasang Bukas, natatangi ang UP Open University sa pagsusulong ng bukas na edukasyon para sa lahat. Nagsilbi itong inspirasyon sa pagbuo ng “BukasKo” Lantern na nagsusulong sa bukas at inklusibong pananaw tungkol sa pagdiriwang ng Pasko saanmang sulok ng Pilipinas.


Sa pag-angat at paglalakbay ng parol, ang aming hiling ay ang maliwanag at progresibong bukas para sa bawat pangkat-etniko sa bansa habang pinapanatili ang mayamang kultura ng mga Pilipino.

Digital na Bersyon

Mga Nilalaman

Black Gradient Rectangle

Belenismo sa Tarlac

Black Gradient Rectangle

Pastores

Black Gradient Rectangle

Pasko sa Sugbo

Black Gradient Rectangle

Paskorela

Black Gradient Rectangle

Pamantasang Bukas

Philippines
Black Gradient Rectangle

Pasko sa Pinas

Belenismo sa Tarlac

Lungsod ng Tarlac

Tinaguriang “Belen Capital” dahil sa kanilang taunang kompetisyon na tinatawag na “Belenismo sa Tarlac”

Ipinapakita ng unang panel ang kwento ng pagsilang ni Jesus – isang sagisag ng pag-asa, kapayapaan, at pagmamahal sa pamilya.

Panel 1

Belenismo sa Tarlac

Pastores

Rehiyon ng Bikol

Inilalarawan ang paglalakbay ng mga pastol upang bisitahin ang sanggol na si Hesus sa pamamagitan ng pagsasayaw na kung tawagin ay "Pastores"

Ipinipinta ng ikalawang panel ang kakayahan ng mga Pilipino na panatilihin ang positibong disposisyon sa masalimuot na daan ng buhay.

Panel 2

Pastores

Pasko sa Sugbo

Lungsod ng Cebu

Ginaganap ang Giant Lantern Parade at pagpapailaw ng Christmas tree sa Fuente Osmeña Circle

Binibigyang-diin ng ikatlong panel ang pagsasalarawang ng pag-asa sa isang napakalaking anyo upang magpaalala na may liwanag sa gitna ng dilim.

Panel 3

Pasko sa Sugbo

Paskorela

Lungsod ng Cagayan De Oro

Isang taunang paligsahan ng mga traysikel na may iba’t-ibang disenyong pampasko



Ipinapahayag ng ika-apat na panel ang likas na pagkamalikhain ng mga Pinoy anuman ang antas sa lipunan.

Panel 4

Paskorela

Pamantasang Bukas

Los Baños

Nangunguna sa pagtataguyod ng bukas at inklusibong pananaw hindi lamang sa larangan ng edukasyon kundi pati na rin sa pagdiriwang ng Pasko sa anumang bahagi ng Pilipinas. Ito ang ipinapakita ng ikalimang panel.

Panel 5

Pamantasang Bukas

Pasko sa Pinas

Pilipinas

Ang Pasko sa Pinas ay hindi nalilimitahan ng lahi, kasarian, pagkakakilanlan, at pangkat-tao kung saan nananaig ang pag-ibig, pag-asa at pagkakaisa. Ito ang inilalarawan ng ika-anim na panel.

Panel 6

Pasko sa Pinas

Mga Ginuhit na Disenyo

Ang kabuuang disenyo ng mga panel ay hinango sa mga disenyo at istilo ng mga bintana (stained glass) ng Simbahang Katoliko.

Hexagon ang ginamit na interpretasyon ng star o bituin sa anyo ng kaleidoscope. Bukod dito, ang geometrikong hugis na ito ay isang kilalang simbolo ng pagkakaisa, tulad ng ipinakikita ng mga pulot-pukyutan.

Proseso ng Paglikha

Indian Festival Diwali , Lantern

Mga Lumikha

Ang paggawa ng parol na ito ay tila nagbubukas ng pintuan sa mas maraming masayang alaala. Isa itong tradisyon na hindi dapat kalimutan ng mga susunod na henerasyon ng mga manlilikha ng disenyong Pilipino.


Maligayang Pasko!

Ammanessi Joy Lapitan

Kawani ng UPOU

Habang kami ay nagsasaliksik para sa “BukasKo” lantern, natuwa ako sa mga nalaman kong pamamaraan ng mga Pilipino sa pagdiriwang ng Pasko. Tunay na mayaman ang ating kultura!


Isang bukas na Pasko para sa lahat!

Maelyn Pisueña

Kawani ng UPOU

Ang saya pala kapag kasama ang mga kaibigan sa paggawa ng parol! Napalapit kami sa isa't-isa.


Sa pagbuo ng "BukasKo" lantern, mas naunawaan ko kung bakit mahalaga ang pagdiriwang ng Pasko sa ating kultura—ito ay isang paraan upang magkabuklod-buklod ang mga Pilipino tungo sa pagkakaisa!


Shaira Tanay

Kawani at Mag-aaral ng UPOU